Bagama’t hindi matukoy kung saan at kailan nagsimulang gamitin ang termino, noong ika-18 siglo ay maraming manunulat ng Enlightenment era ang nagsulat tungkol sa pyudalismo upang batikusin ang sistemang pinangangalagaan ng mga monarkiya, partikular ang monarko ng Pranses. 

Sa panahong ito, ang mga panginoong maylupa (PML) – noo’y tinatawag na “Lord” – ay ginagarantiyahan ang iilang mga “vassal” ng “fief” o lupa. Kapalit ng lupaing ibinigay sa mga vassal, kinakailangan nilang magbigay-serbisyo sa mga PML at maglingkod sa abot ng makakaya nito.

Ngunit ilang siglo man ang lumipas, ang resulta ng pyudalismo ay makikita pa rin magpasahanggang ngayon dulot ng isang abnormal na sistemang panlipunang iniluwal nito na tinatawag na “malapyudal”.

Iba pang babasahin:

(2021). Habang lumalawak ang mga plantasyon, lumalawak din ang kabayanihan ng kilusang magbubukid. UMA Pilipinas. Nakuha mula sa https://umapilipinas.wordpress.com/2021/08/10/habang-lumalawak-ang-mga-plantasyon-lumalawak-din-ang-kabayanihan-ng-kilusang-magbubukid/

Harbison, R. (1996). The Problem of Feudalism: An Historiographical Essay. Archive. Nakuha mula sa https://web.archive.org/web/20090226131755/http://www.wku.edu/~rob.harbison/projects/Gfeudal.html