Sa pagtatambal ng mga salitang “burukrasya” (administratibo, gobyerno, o panlipunang sistema na may herarkiyang istraktura at kumplikadong patakaran) at “kapitalismo” (sistemang pang-ekonomikong patungkol sa pribado at korporatibang pagmamay-ari ng kapital), nabuo ang burukrata kapitalismo. 

Sa kasaysayan ng Pilipinas, nagsimula ang pag-usbong ng ganitong uri ng sistema noon pang pagsakop ng United States of America kung saan ang mga noo’y principalia ay “hinubog” ng mga dayuhan upang mamahala. Nang magtagumpay ang mga ito na makakuha ng kapangyarihang pulitikal, ginamit ng mga burukrata kapitalista ang kanilang awtoridad para sa kanilang pansariling interes.

Hanggang ngayo’y nananatili ang ganitong sistema sa pamahalaan. Patuloy ang pagsulpot at pananatili ng mga burukrata kapitalista sa pamahalaan at sa halip na gamitin ang pondo ng taumbayan upang lutasin ang kanilang mga suliranin, dumidiretso lamang ito sa bulsa ng mga nasa awtoridad.

Iba pang babasahin: 

Peralta, J., and Jalea, G. (2020). Whistleblower claims P15 billion stolen by PhilHealth execs in fraud schemes. CNN Philippines. Nakuha mula sa https://cnnphilippines.com/news/2020/8/4/PhilHealth-P15-billion-stolen-mafia-execs.html
Sanchez, E. (2020). Tax Avoidance Bilang Ilustrasyon ng Burukrata-Kapitalismong Kalakaran. Manila Today. Nakuha mula sa https://manilatoday.net/tax-avoidance-bilang-ilustrasyon-ng-burukrata-kapitalismong-kalakaran/