Pinangunahan ng mga grupo ng pesante ang pagkilos na ikinasa kaninang umaga sa kahabaan ng Mendiola bilang paggunita sa Pambansang Araw ng Koordinadong Protesta ng mga Magsasaka.

Kasama ang mga progresibong grupo mula sa iba pang sektor, patuloy na nanawagan ang mga ito para sa tunay na reporma sa lupa, sapat na ayuda para sa lahat, at hustisya para sa mga magsasakang biktima ng pasismo ng estado. Inirehistro rin ng mga pesante ang panawagan para sa P15,000 subsidyo sa produksiyon bilang pansamantalang tugon sa ekonomikong krisis na dulot ng pandemya at higit pang pinalubha ng kapabayaan ng administrasyong Duterte.

Bagama’t hinarangan ng kapulisan ang daan patungong Mendiola Peace Arch, matagumpay pa ring naisagawa ang programa.